Prompts Para sa Ikalawang Linggo ng Hulyo 7-14 2024
Pasensya na at hindi talaga ako masyado makapag post ngayon at makapag Hive dahil narin sa dami kong ginagawa IRL. Maliban diyan ay na adik din ako sa paglalaro ng Adventure Heroes sa Steam nitong mga araw ng aking restday kaya hindi rin ako nakakapag bukas ng aking account.
Ayun na nga, try nating maging aktibo ulit dahil mas maganda ngayong magpost. Medyo madami na akong draft pero hindi ko siya nalilinis pa.
Nagskip tayo ng isang linggo at jump na agad sa ikalawang Linggo ng Hulyo dahil late na tayo sympre. Ito ang mga prompts na naisip ko.
Hulyo 7 - Bible verse na iyong nabasa at pinagnilay-nilayan.
Hulyo 8 - Ikacancel mo ba ang iyong order online kung may error ang seller?
Hulyo 9 - Kung ikakasal ka. Okay lang ba na wala nang engagement at kasalan na agad?
Hulyo 10 - Sang-ayon ka ba na magpa #RaffyTulfo kung may problema lalo na kung tungkol sa pamilya?
Hulyo 11 - Ano ang katanggap-tanggap na gender reveal para sa iyo?
Hulyo 12 - Pinaka sulit na nabili mo online nitong mga nakaraang araw? #BudolFinds
Hulyo 13 - Plano para sa weekend.
Kung mapapansin nyo ang araw ng Linggo sa buong buwan ng Hulyo ay nilagyan ko na agad ng prompt na bible verse na pinag-ninilaynilayan o nabasa. Marami sa mga Pinoy ang Kristiyano at siyempre sabi nga diba sa kanta Read your bible everyday kaya para mas ma engganyo tayo magbasa at sympre magpost nadin at mangyari lang na ishare nyo ang inyong nabasang verse at yung learnings nadin. Malay mo diba, yung salita ng Diyos na iyong nabasa ay kailangan din pala ng iba mo pang mga readers diba?
Tingin nyo oks kaya na gawin ko nang constant yang prompt na iyan tuwing Linggo?
Yung ibang prompts ay mga napapanahon na issue na nasagap ko online nitong mga nakaraang araw. Yung sa error ng seller, maari mong maisip yung naging problema sa Tiktok ng isang online shop na nagbenta ng cellphone. Yung gender reveal naman, may nakita akong gender reveal na kumuha ng aking atensyon dahil sa nagsindi sila ng pausok sa kalsada habang nagmomotor sa hiway ( search nyo nalang) mga ganun kaya't sa tingin nyo ano ang okay na gender reveal para sa iyo?
Ayun lang muna - bawi ako sa mga susunod na araw. Yung reward nung nakaraang June nakalista pa di ko pa na sesend gawin ko sa freetime ko ulit.
Ang reward for this week ay 5 Hive parin ang pool ay ecency points.
Leave Prompts Para sa Ikalawang Linggo ng Hulyo 7-14 2024 to:
Read more #hive posts
Best Posts From Oli
We have not curated any of tpkidkai's posts yet. But you can encourage our curation team to review posts by visiting them regularly and by referring other readers. Because we give priority to frequently read content.
More Posts From Oli
- How a Break from Blogging Helped Me Face My Fear
- Can I Keep On Going?
- Finding My Place: A Tenure Worth Celebrating
- A Morning Stroll: Grocery Runs and Family Time with Odyne
- Who Stole The Money from the Cabinet? The Feeling of Wrongfully Accused
- CZ_Binance’s Warning: How Quick Wins Destroy Crypto Dreams
- Ethics and Morals: Building a Safer Digital Future
- The Good, The Chewy, and The Playful: Our Tree House SPC Experience in a Nutshell
- Guilt-Free Frying: Discovering the Benefits of Air Frying
- Health Shock: How I Found Out I Have High Cholesterol at 33
- The Power of Early Intervention for Speech Delays
- Prompts Para sa Ikalawang Linggo ng Hulyo 7-14 2024
- How To Get Your PSA Marriage Certificate and Other PSA Documentation
- Viral Facebook Post About BDO Withdrawal Confirmed: Learn How to Secure Your Online Banking
- Prompts Para sa Ika-Apat na Linggo ng Hunyo 24-30
- Our Second Visit to Kidzoona: Overcoming Challenges and Celebrating Wins
- Anunsyo ng mga Nagwagi sa Ikalawang Linggo
- Ikalawang Araw Ng Pag Propomote ng Hive Sa Lokal Content Creators | Inggo ( Ang Batang Makulit)
- Guhit Achiee | Content Creator Na Gusto Kong Maging Hiver
- Prompts Para sa Ikatlong Linggo ng Hunyo 17 - 23