"Pangako"
Sa iskwela, tayo ay nagkakilala,
Naging magkaibigan at laging masaya.
Sa araw-araw, tayo ay magkasama,
At ikaw ang kalaro sa tuwi-tuwina.
Sa akin, ikaw ay naging mabait,
Sa akin ikaw ay may malasakit.
Kaya naman ako, sayo'y naging malapit,
At tanging dalangin ko, ika'y 'di magkasakit.
Pagkakaibigan natin, aking iingatan,
Pagsasamahan natin, aking pahahalagahan.
Dahil ikaw sa akin, ay tunay na kaibigan,
Kaya pangako ko, ikaw ay hindi iiwanan.
Tayo man ay magkalayo,
Sisiguraduhin kong tayo pa rin magtatagpo.
Kaya lagi mong tandaan ang aking pangako,
At asahan mong ito ay hindi mapapako.
---lynbabe10---
Leave "Pangako" to:
Read more #kaibigan posts
Best Posts From lyn6468
We have not curated any of lynbabe10's posts yet. But you can encourage our curation team to review posts by visiting them regularly and by referring other readers. Because we give priority to frequently read content.