Magtipid!
Kailangang magtipid sa lahat ng bagay,
Ito’y malaking tulong sa ‘ting pamumuhay;
Pag matipid tayo, masagana ng buhat natin,
Pagkat pag nangangailangan, mayro’ng gagamitin.
Pagbili ng bagong damit, huwag lagging asamin,
Mga gamit na pwede pa, iyon ang gamitin,
Pamamasyal at pagsa shopping huwag araw arawin,
Dahil magastos ito, ating nang tipirin.
Kung kailangang gumamit ng appliance,
Isarado ito agad pagkatapos ng gamitin;
Ganun din sa paggamit ng ilaw at tubig,
Para di aksaya tayo’y makatipid.
Mga Gawain ngayon huwag nang ipagpabukas,
Gawin ito agad, makakatipid ng oras,
Magtipid, magtipid, lahat tayoy magtipid,
Pagkat sa taong matipid, kaginahawaan ang hatid.
Isinulat ni: @trexybap
Leave Magtipid! to:
Read more #poetry posts
Best Posts From trexybap
We have not curated any of trexybap123's posts yet. But you can encourage our curation team to review posts by visiting them regularly and by referring other readers. Because we give priority to frequently read content.