Pagtulong ~ Orihinal na tula
“Aanhin pa ang damo,
Kung patay na ang kabayo”
Isang katagang magpapatotoo
Sa kabutihan ng isang tao
Ang pagtulong sa kapwa
Ay isang mabuting gawa
Butihing pusong may awa
Upang ang iba’y guminhawa
Marapat na tulungan
Ang sinumang nangangailangan
Yaman lamang din naman
Na ikaw ay may kakayanan
Huwag lang sana mahuli
Ang tulong na nais ibahagi
Dahil imbis na mapabuti
Baka sa huli ay magsisi
Ang ugaling Mañana
Sa ating ninuno ay minana
Ang pagsambit ng mamaya na
Ay dapat nating iwasan na
Lagi nating pakatatandaan:
“Kung ano ang ating itinanim,
Ay siya rin namang ating aanihin”
S’yang tunay na ang pagtulong ay napakainam
Ang imahe ay mula sa picluck.net
Maraming salamat po sa pagbabasa!
Leave Pagtulong ~ Orihinal na tula to:
Read more #tagalog-poetry posts
Best Posts From KittyKhat
We have not curated any of khat.holanda23's posts yet. But you can encourage our curation team to review posts by visiting them regularly and by referring other readers. Because we give priority to frequently read content.
More Posts From KittyKhat
- A Time Well Spent
- BlueHourPhotography
- The Artful side of Me ~ My Ulog post #6
- Pagtulong ~ Orihinal na tula
- Matalim na Dila ~ Orihinal na Tula
- Ang aking Kabataan ~ Orihinal na Tula
- Agam-agam ~ Orihinal na tula
- BlueHourPhotography ~ By the Beach
- Architectural Photography ~ Church of Gumaca
- Sa Araw ng mga Tatay! (Orihinal na Tula)