Ang Huling Awooo
Tulog na! 'Nay! 'Tay!
Ako na ang magsisilbing ilaw na gabay
Sa kadiliman ng gabi, sa pagpupuyat ako'y sanay
Handang magmatyag, masigasig na magbantay
Masiguro lamang ang himbing sa inyong pagkakahimlay
Tulog na! Tsong! Tsang!
Mga alaga n'yong hayop na nagkakanda-ubusan
Na sa umaga'y masusumpungang nabawasan ang bilang
Nakawala sa kulungan, pugot ang ulo, wakwak ang tiyan
Mas masahol pa sa hayop pumaslang ang may kagagawan
Tulog na! Ate! Kuya!
Matikas pa sa sundalo, ako'y magsisilbing gwardya
Upang ang bayan nating muli'y maging payapa
Sa mga mapagsamantala ako'y 'di palulupig, 'di pasisila
Kasamaang kanilang tinataglay, buong pwersa kong pinupuksa
Ang aming munting nayon, noo'y tahimik at payapa
Biglang nabulabog ng iyakan, sigawan at mga haka-haka
Sa kalaliman ng gabi ay may gumagala
Isang kakaibang nilalang na sa kadilima'y namamalakaya
Kabilugan ng buwan kung ito'y mambiktima
Kasabay ng alulong ng aso, kaluskos ng dahon at tunog na kakaiba
Nakakakilabot, nakakapanindig-balahibo ang kanyang hitsura
Sabi-sabi ng mga matatanda na sa kanya'y nakakita
Sa porma ng aso, pusa, malaking ibon at baboy ramo
Matatalas ang pangil, mahahaba ang kuko
Mabilis kung kumilos, matulin kung tumakbo
Sa isang kisapmata'y mapupunta agad sa likuran mo
Isang Biyernes Santo nang siya'y aking makasagupa
Tangan ko ang sibat at itak na bagong hasa
Nagtamo ako ng mga kalmot, sugat at mga pasa
Pero siya'y aking napuruhan, tagos ang sibat na sa dibdib ay tumama
Umuwi ako ng bahay upang salubungin ang asawa
Bakas sa aking mukha ang pagod ngunit hatid ang magandang balita
Nagapi ko ang kampon ng kadiliman sa aming pagdidigma
Ngunit ano itong bumungad sa akin? Sadyang 'di ako makapaniwala
Aking asawa'y nasaksak, duguan sa bandang puso
Sino ang may gawa? Hindi ko matanto
Ito ba ang magiging kapalit ng aking sakripisyo?
Sino ang may sala? Maghihiganti ako!
Nakayapos ako sa kanya nang bawian siya ng buhay
Aking kinarga sa mga bisig katawan ng mahal kong nakahandusay
Isang garapon ng langis, sa aking pagtayo ay napalaylay
Nahulog mula sa bulsa ng bestidang aking ibinigay
Sa pagkawala ng aking irog, nanumbalik ang katahimikan
Ang dating lagaslas ng mga bagwis na naghahatid ng katatakutan
Wala ng magiging biktima ng patayan at karahasan
Nagkukubli na muli ang munting nayon sa dating nakagawian
Paalam aking mahal, isa ka palang aswang!
Lubos kong naibigan ang tula ni kuyog hangin na pinamagatang Awooo kaya naman gumawa ako ng isang tula upang sagutin o dugtungan at bigyan ng kakaibang kwento ang pagsalakay ng Aswang na nambibiktima. Salamat din kay sa paglalathala ng mga sulatin ni kuyog hangin dito sa Steemit.
Leave Ang Huling Awooo to:
Read more #tagalogtrail posts
Best Posts From Jampol
We have not curated any of johnpd's posts yet. But you can encourage our curation team to review posts by visiting them regularly and by referring other readers. Because we give priority to frequently read content.
More Posts From Jampol
- Netoy
- A Tribute to Stan Lee
- Ang Huling Awooo
- Patimpalak sa Pagpipinta Gamit ang Mga Salita | Literal na Kwentong May "Kwenta"
- May mababago ba kung tatakbo ako?
- Torture : Ang Aking Karanasan sa Ipis
- TAGALOG SERYE VIII: Ang Katapusan ng Kwento ng Unang Pangkat
- Ang Misteryo ng Ibong Adarna
- Leviathan, the Demon of Envy
- Kwentong N.B.
- Realization Post : I Want To Be Consistent
- Sa Likod ng Mabigat na Costume
- FILIPINO FICTION: TAGALOG SERYE VII: IKA-APAT NA BAHAGI NG IKALAWANG PANGKAT
- Word Poetry Challenge #8 : Tagpuan
- Chop Suey Side Dish
- Ang Paborito Kong Alaala : Bago ako maging Jampol
- Tagalog Serye: Ikalimang Bahagi ng Unang Pangkat ||Si Pepe at Ang Mundo ng Earthia
- Ang Nakatagong Mensahe sa Homily ni Father Rey
- Tatlong daan at apatnapu't dalawang pisong dangal mula sa bangketa
- Ika-5 Hamon: Ang Hiwaga ng Atlantika - Ikatlong bahagi