Boleks avatar

Respeto Higit Sa Kulay

fherdz

Published: 23 May 2026 › Updated: 23 May 2026Respeto Higit Sa Kulay

Respeto Higit Sa Kulay

3207.jpg

Sa kulay ng politika, tayo’y magkakaiba,
Ngunit respeto’t dangal, huwag sanang mawala.
Hindi dahil salungat ang ating paniniwala,
Ay salita ng galit ang agad na isusuka.

Sa mundo ng social media, tila apoy ang sigla,
Konting di-pagkakasundo, insulto ang bunga.
“Bobo” ang bansag, masasakit na salita,
Na tila ba katotohanan ang sila’y may hawak na watawat nila.

Ngunit ang tunay na talino’y may galang na dala,
Nakikinig, umuunawa, di basta nanlalait sa iba.
Sapagkat ang politika’y usapin ng bansa,
Hindi dahilan para kapwa’y yurakan at saktan pa.

Pagkat sa bawat kulay, iisa ang adhika,
Ang bayan ay umunlad, at pagkakaisa’y madama.
Kung respeto ang paiiralin sa bawat pagtatalo’t sigla,
Mas magiging makabuluhan ang ating demokrasya.

📸 Photography
📷 Infinix HOT 60 Pro
Philippines 🇵🇭

Leave Respeto Higit Sa Kulay to:

Written by

God|Family|Marriage|Love|Life|Community|Photography

Read more #neoxian posts


Best Posts From Boleks

We have not curated any of fherdz's posts yet. But you can encourage our curation team to review posts by visiting them regularly and by referring other readers. Because we give priority to frequently read content.

More Posts From Boleks