ahna8911 avatar

Balagtasan #3 Halalan

ahna8911

Published: 21 Apr 2018 › Updated: 21 Apr 2018Balagtasan #3 Halalan

Balagtasan #3 Halalan

choice-3296667_960_720.png

Pixabay


"Halalan"


Halalan sa aming baryo
Mga pangakong serbisyo
Sigaw ng aming sikmura
Ulam at bigas na mura


Daan na pinapatag
Batas na itatatag
Dag-dag na pasahod
Heto kami ngayon nakatanghod


Proyektong pang-agrikultura
Ang pamimiigay ng traktora
Tanim na sagana sa abano
Ito ay nag-mula sa gobyerno


Mga tinamaan ng kalamidad
Tahanan na walang seguridad
Pag-alboroto ng bulkang Mayon
Baranggay ay mag-bibigay ng ayuda ngayon.


Tuwing sasapit ang halalan
Dagsa ang barilan
Buhay na inyong kinitil
Mahigit isang butil


Serbisyong medikal ni doktora
Mga gamot galing kay Pandora
Hindi biro ang magkasakit
Sa panahon ngayon dapat mag-malasakit.


Ang talumpati ni kapitan
Ramdam ko ang aking karapatan
Buwan at araw ang naging saksi
Korapsyon ay kanilang winaksi.


Kaya ngayon sa darating na halalan marahan lamang po na iboto naten ang mga taong nararapat sa kani kanilang posisyon sa gobyerno. Ito ay tugon sa balagtasan namin ni sheshebaylosis@sheshebaylosis


GIF-180316_162802.gif

ahnaping.png

Leave Balagtasan #3 Halalan to:

Written by

Read more #filipino-poetry posts


Best Posts From ahna8911

We have not curated any of ahna8911's posts yet. But you can encourage our curation team to review posts by visiting them regularly and by referring other readers. Because we give priority to frequently read content.

More Posts From ahna8911